Home NATIONWIDE MMDA, handang magbigay ng tulong sa gitna ng transport protest

MMDA, handang magbigay ng tulong sa gitna ng transport protest

MANILA, Philippines – HANDA ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magbigay ng tulong sa publiko sa gitna ng planong transport protest ng ilang grupo, bukas, araw ng Martes, Enero 16.

Sa press briefing sa Malakanyang, tinanong si MMDA chairperson Romando Artes kung irerekumenda nito ang suspensyon ng klase dahil sa nakatakdang transport protest bukas.

Ani Artes, mayroong maliit na reklamo lamang mula sa mga mananakay sa mga nakalipas na transport strikes dahil ang mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan kabilang na ang MMDA ay nagbibigay ng libreng-sakay sa mga mananakay.

“Noong nakaraan po na mayroong expressed declaration ng tigil pasada, hindi po tayo nagrekomenda ng suspension ng klase o trabaho dahil nga po tayo naman ay nakahanda to augment kung sakaling magkaroon ng disruptions sa public transportation,” ayon kay Artes.

“Sabi nga po ni Chair Andy saka ni Chair Guadiz, paulit-ulit po ýung rally, nasanay na po kaming rumisponde, handa po kami at gagawin po namin ulit ‘yun. At siguro naman po, na-observe ninyo noong nakaraang protesta or tigil pasada na wala po masyadong nagreklamo na sila po ay na-stranded dahil nakaresponde naman po tayo nang maayos,” dagdag na wika nito.

Aniya pa, masusing imo-monitor ng MMDA ang situwasyon “as early as 5 in the morning.”

“We understand that this is not a tigil pasada [transport holiday] but a protest by the two transport groups. Just the same, we are ready to respond, we will monitor the situation as early as 5 a.m. tomorrow and in case there is a disruption in the public transportation system, we will augment, we are ready,” ang pahayag ni Artes.

Sa ulat, sinasabing, sisimulan ng ilang grupo ng Jeepney operators at drivers ang protesta sa UP Diliman bandang alas-10 ng umaga at magka-caravan papuntang Welcome Rotonda, saka magmamartsa papuntang Mendiola, Maynila.

Maliban aniya sa mga driver at operator, lalahok din sa protesta ang mga commuter at mga estudyante. Kris Jose

Previous articleVote buying sa pagsusulong ng Cha-cha itinanggi ng PIRMA
Next articlePag-asa, Lawak islands sa WPS pauunlarin – Brawner