MANILA, Philippines- Inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Huwebes na handa nitong asistihan ang local governments sa labas ng National Capital Region (NCR) pag tumama ang Super Typhoon Mawar.
“In fact, kami ang tinignan namin sa aftermath ay more on tulong sa ibang lugar rather than Metro Manila,” pahayag ni MMDA acting chairperson Don Artes sa isang media briefing.
Larawan kuha ni Danny Querubin
“Sabi ko nga, ang LGUs ng Metro Manila ay handa, equipped, at trained ang aming mga tao dito sa NCR,” ayon pa kay Artes. “So, after namin maayos ang lahat dito sa NCR, kami ay ready ma-deploy sa ibang lugar.”
Muling lumakas si Mawar sa super typhoon nitong Huwebes ng umaga at posibleng pumasok sa weather monitoring area ng bansa sa Biyernes ng gabi o Sabado ng umaga, ayon sa state weather bureau.
Advertisement
Advertisement
Nagbabala ito na inaasahang patuloy na lalakas si Mawar sa susunod na tatlong araw at posibleng umabot sa peak intensity na 215 km/h sa Linggo.
Samantala, inaasahan naman ang pamumuo ng thunderstorms sa NCR, Bulacan, Rizal, Cavite, at Laguna sa susunod na 12 oras.
Larawan kuha ni Danny Querubin