Home METRO MMDA Motorcycle Riding Academy bubuksan sa Sept. 27

MMDA Motorcycle Riding Academy bubuksan sa Sept. 27

479
0

MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Biyernes na nakatakda nitong buksan ang Motorcycle Riding Academy sa September 27.

Sinabi ng MMDA na pormal na sasanayin ng academy ang riders sa theoretical at practical aspects ng motorcycle riding, maging sa basic emergency response training.

“The Academy aims to provide riders with basic training on handling motorcycles, road courtesy and discipline, and following traffic rules,” anito.

Noong 2018, naitala ng MMDA Metro Manila Accident Reporting and Analysis System (MMARAS) ang motorcycle riders na sangkot sa pinakamaraming road crash fatalities sa halos 38% oo r 224 fatalities mula sa kabuuang 590.

Umakyat pa ito mula 2020 hanggang 2021, sa 253 at 295.

Base sa 2018 Global Status Report on Road Safety ng World Health Organization (WHO), ika-11 ang Pilipinas sa 175th bansa na may naiulat na bilang ng road traffic deaths sa 10,012 kung saan 4.7% dito ang drivers/pasahero ng 2- o 3- wheelers.

Nito ring Biyernes, nakatanggap ang MMDA ng 10 motorcycle units na donasyon ni Senator Sonny Angara.

“I would like to extend my earnest gratitude to Sen. Angara for his generous donation to the agency,” ani MMDA acting chairman Atty. Don Artes sa turnover ceremony. RNT/SA

Previous articleP7B expired, ‘di naipamahaging gamot, kagamitan ng DOH nasilip ng COA
Next articleKampo ni Teves: ‘We still have full faith in the judiciary’

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here