Home METRO MMDA naghahanda na sa ‘exodus’ ng mga pasahero bago mag-Pasko, long weekend

MMDA naghahanda na sa ‘exodus’ ng mga pasahero bago mag-Pasko, long weekend

MANILA, Philippines- Naghahanda na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ipara sa pagdagsa ng mga biyahero at posibleng “carmageddon” sa metropolis sa darating na Biyernes, Disyembre 22, huling pasok sa trabaho bago sumapit ang Pasko.

Sinabi ni Gabriel Go, OIC head ng MMDA’s Strike Force, na base sa statistics, karaniwang dumarami ang mga motorista sa major thoroughfares sa Metro Manila bago sumapit o sa mismong araw ng holidays. 

“Base on our data and recorded statistics, yes we agree na talagang tumataas ang bilang ng mga motorista sa kalsada,” wika ni Go.

“Tuloy-tuloy ang aming deployment, full blast po ang ating deployment until Christmas para kahit papaano matulungan natin ang mga motorista na maging mas maginhawa ang kanilang biyahe,” patuloy niya.

Nag-deploy ang MMDA ng mahigit 2,000 traffic enforcers sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila.

“Full blast po tayo sa deployment ng ating mga enforcers,” pagtitiyak ni Go. “Andiyan na rin po ang mga clearing operations natin. We will also be inspecting sa ating mga bus terminals, to make sure na talagang they are operating ng tama.”

“‘Yung lagay po ng traffic sa labas ng terminals, kahit papaano, ay magtu-tulungan po kami.”

Ayon kay Go, naghahanda rin ang MMDA para sa darating na long weekend. 

“With the Christmas season, everyday is rush hour,” he said. “Kaya po ang aming ahensiya, we are working really hard, we are working triple-time para matulungan kahit papaano mapabilis ang mga biyahe natin sa ating mga kalsada lalo na d’yan po sa Mabuhay lanes.”

Sinabi naman ni MMDA Chairman Romando “Don” Artes na nakapagtala na sila ng 15% na dagdag sa volume ng mga sasakyan tuwing rush hour sa hapon mula alas-5 hanggang alas-9 ng gabi. RNT/SA

Previous articleEl Niño task force binuhay ni Marcos
Next articleBoyet, lucky charm ni Ate Vi!