Home METRO MMFF 2023 kumita ng P1.069B

MMFF 2023 kumita ng P1.069B

MANILA, Philippines- Gumawa ng kasaysayan ang Metro Manila Film Festival (MMFF) matapos kumita ng kabuuang P1.069 bilyon hanggang nitong January 7.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Martes, nakamit ang nasabing record kahit na 800 sinehan lamang ang nakibahagi sa MMFF nitong 2023.

Inihayag nina MMDA Acting Chairman at MMFF overall chairman Attorney Don Artes na maiuugnay ang tagumpay ng MMFF Films nitong nakaraang taon sa kalidad ng mga pelikula at bagong audiences mula sa ABC market.

“We received reports that moviegoers watched multiple films while others watched films repeatedly. Hopefully, we can sustain this beyond the festival so that our film producers can offer quality movies all year round,” wika ni Artes.

“We also encourage filmmakers to create better films for the MMFF’s 50th edition,” patuloy niya. RNT/SA

Previous articleCha-cha suportado ng mga grupo ng magsasaka – ex-solon
Next articleSenior citizens sa Navotas binigyan ng birthday gift