Home NATIONWIDE MOA sa monitoring shipboard training ng maritime students, nilagdaan ng PCG, CHED

MOA sa monitoring shipboard training ng maritime students, nilagdaan ng PCG, CHED

120
0

MANILA, Philippines – Lumagda ang Philippine Coast Guard (PCG) at Commission on Higher Education(CHED) ng Memorandum of Agreement (MOA) sa monitoring shipboard training para sa mga maritime students.

Pinangunahan nina PCG Commandant, CG Admiral Artemio Abu, at CHED Chairman, Prof Popoy De Vera III, ang signing ceremony.

Sa ilalim ng naturang kasunduan, bubuo ang CHED ng database ng mga mag-aaral na iniulat ng Maritime Higher Education Institutions (MHEIs) para makasakay sa mga domestic ship para sa pagsasanay.

Kukuha rin ng datos ang CHED regional office para sa wastong pagsubaybay sa mga mag-aaral na sakay ng mga domestic ship na sumasailalim sa pagsasanay.

Ang PCG naman ay magsasagawa ng mga panayam sa mga kadete at Shipboard Training Officer (STO) upang maberipika kung ang mga kadete ay tumatanggap ng wastong pagsasanay.

Dapat ding suriin ng PCG kung ang mga barkong may sakay na mga kadete ay may mga iskedyul ng pagsasanay at ginagamit lamang ang mga kadete para sa mga gawain sa barko na mayt kaugnayan sa layunin ng onboard training program.

Higit pa rito, dapat ding i-validate ang aktwal na bilang ng mga kadete na nakasakay sa barko batay sa pinayagang bilang ng mga deck at engine cadets gaya ng itinatadhana sa mga kaukulang regulasyon ng Maritime Industry Authority (MARINA).

Dapat ding tiyakin ng PCG na tanging mga kadete lamang na present on board ay makikita sa opisyal na listahan ng mga tripulante upang malaman ang ilang mga kasanayan kung saan ang ilang mga kadete ay naglilingkod sa kanilang mga shore-based offices sa halip na maglingkod on board.

Gayundin, dapat iulat ng PCG ang kanilang mga natuklasan sa CHED upang matiyak na ang lahat ng maritime students ay makakatanggap ng wastong pagsasanay sa barko bilang bahagi ng kanilang educational curriculum. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleOperasyon ng Kaliwa Dam inaasahang magsisimula sa Disyembre 2026
Next articleNahulog na crew ng barko pinaghahanap ng PCG