Home ENTERTAINMENT Modern filipiniana ni Lovi, kinol out!

Modern filipiniana ni Lovi, kinol out!

Manila, Philippines – Lovi Poe’s wearing a modern Filipiniana top certainly stirred the pot!

Hindi kasi nagustuhan sa panlasa ng mga netizens ang kasuotan na ‘yon ng aktres na dinesensyo ni Randy Ortiz.

Kapansin-pansin naman kasi ang pagiging kakaiba ng ginawang modernong Filipiniana attire.

Naka-crop ang pang-itaas nito hanggang dibdib ni Lovi.

At pag iginagalaw-galaw ni Lovi ang kanyang mga braso’y nakikita na ang kanyang suot na bra.

In fairness to Lovi, hindi niya binura ang mga comments ng netizens na obyus na hindi nagustuhan ang kanyang kasuotan.

May nag-comment pa nga kung sino raw ba ang designer niyon gayong nasa caption naman ni Lovi whose design it was: kay Randy Ortiz nga.

In fairness din naman sa mga netizens, hindi sila galit kay Lovi kundi sa kasuotan lang nito.

Nagkakaisa ang mga netizens na sana naman daw ay binigyan ng respeto ang ating pambansang kasuotan.

May mga iba naman ang nagsasabing nag-e-evolve naman talaga ang Filipiniana dress through the years.

Maanong iwaglit daw sana sa isipin ng mga nakararaming Pinoy ang sinaunang hitsura o look ng ating national dress.

Kaya nga raw modern ang tawag, ibig sabihiy sumasabay rin ito sa makabagong panahon.

Para na lang iwas-debate’y hindi na rin nakipagbardagulan si Lovi sa mga netizens who think otherwise.

Mas maganda kung mismong ang tanyag na si Randy Ortiz ang magpapaliwanag ng kanyang design, or need he?

Ano ba kasi ang mga sinusunod na standards in designing a Filipiniana dress in these modern times?

Kayong mga Pinoy couturiers, ano ang take n’yo? Ronnie Carrasco III