Home METRO Molino-Daang Hari Flyover bukas na!

Molino-Daang Hari Flyover bukas na!

MANILA, Philippines – Makadadaan na ang mga sasakyan sa 531-meter Molino-Daang Hari Flyover Project sa Lalawigan ng Cavite, iniulat ng Department of Public Works and Highways (DPWH) nitong Biyernes, Disyembre 15.

Sa pagbubukas ng P701 milyon-halagang flyover, sinabi ni Regional Director Jovel Mendoza na ang oras ng biyahe sa pagitan ng Barangay Molino III at Barangay Molino IV sa Bacoor City at mga kalapit na bayan ay nabawasan ng 15 hanggang 30 minuto.

Idinagdag niya na ang flyover ay isang multi-year project na nakatanggap ng PHP240 milyon bilang paunang alokasyon noong 2016, PHP311 milyon noong 2018, at PHP150 milyon noong 2022.

“The Molino-Daang Hari Flyover, though still in progress, marks a significant step toward enhancing transportation infrastructure and fostering economic growth in Bacoor and its surrounding areas,” ani Mendoza. RNT

Previous articleBatang babae kinatay ng ‘pastor’ dahil sa lansones
Next articleKai Sotto lumipat sa Yokohama B-Corsairs