Home HOME BANNER STORY Moratorium sa ‘pass-through’ fees oks sa NCR mayors

Moratorium sa ‘pass-through’ fees oks sa NCR mayors

Pinangunahan nina Metro Manila Authority Development (MMDA) Acting Chairman Atty. Don Artes, DILG Sec Benhur Abalos at Metro Manila Council (MMC) President San Juan City Mayor Francis Zamora ang pulong kasama ang mga miyembro ng MMC, kung saan tinalakay ang EO 41, o pagbabawal sa koleksyon ng pass-through fees, at presentasyon ng Parade of Star route para sa Metro Manila Film Festival sa Disyembre, sa MMDA headquarters sa Pasig nitong Biyernes, Oktubre 6, 2023. Danny Querubin

MANILA, Philippines- Inaprubahan ng Metro Manila Council (MMC) nitong Biyernes ang resolusyong pansamantalang nagsususpinde sa pagsingil ng bayad sa delivery vehicles sa locally funded roads.

Larawan kuha ni Danny Querubin

Ayon sa ulat, agad na ipatutupad ng MMC ang resolusyon bilang pagsuporta sa panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na suspendihin ang pass-through fees sa ilalim ng Executive Order (EO) No. 41.

Inihayag ni MMC president at San Juan Mayor Francis Zamora na bagama’t makaaapekto ang bagong polisiya sa kita ng local government units (LGUs), makatutulong ito sa transporting public sa pamamagitan ng posibleng pagbaba ng presyo ng mga bilihin.

Samantala, iminungkahi ni Interior Secretary Benjamin Abalos Jr. na amyendahan ang Local Government Code na nagbibigay sa LGU ng taxing power.

Sinabi ni Abalos na “outdated” na ang batas at dapat angkop sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa. RNT/SA

Previous articlePelikula ni Paolo, flop sa takilya, bumawi sa streaming app!
Next articleGabbi, join sa MUP!