Home METRO Most wanted na jeepney driver nalambat sa Muntinlupa

Most wanted na jeepney driver nalambat sa Muntinlupa

249
0

Nadakip ng mga operatiba ng Substation 6 at Tactical Motorcycle Rider Unit (TMRU) ang isang jeepney driver na nahaharap sa iba’t-ibang kaso at tinaguriang most wanted ng Muntinlupa City police.

Sa report na isinumite ng Muntinlupa City police ay kinilala ni Southern Police District (SPD) chief Brig. Gen. Kirby John Brion Kraft ang inarestong suspect na si Romualdo Villadore, 38.

Ayon kay Kraft, dinakip ng mga tauhan ng Muntinlupa police Substation 6 Poblacion at TMRU si Villadore, sa Pulong Eng-Eng, San Guillermo Street, Barangay Poblacion, Muntinlupa City.

Sinabi ni Kraft na si Villadore ay mayroong standing warrant of arrest bunsod ng kanyang kinahaharap na mga kasong sexual assault, rape at dalawang kaso pa ng acts of lasciviousness.

Matagumpay na naisagawa ang pag-aresto kay Villadore sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni San Pedro, Laguna Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Nanette Mendoza Austria ng Branch 170.

Walang kaukulang piyansa na inirekomenda si Austria para kay Villadore kung saan dinirinig sa kanyang sala ang kasong rape ng akusado.

Sa iba pang kasong kinahaharap ni Villadore ay may rekomendasyon para sa kanyang pansamantalang kalayaan ng piyansang P180,000 sa kasong sexual assault at isang P80,000 at isa ring P120,000 para naman sa parehong kasong acts of lasciviousness na kinahaharap ng ankusado.

Sa pagkakaaresto ni Villadore ay dinala ito sa custodial facility ng Muntinlupa City police kung saan ito kasalukuyang nakapiit. (James I. Catapusan)

Previous articleHamon ng PNP sa Degamo slay suspect: Bintang na tortyur, patunayan
Next articleNaagnas na bangkay ng dalaga umalingasaw

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here