NABINGWIT ang isang mangingisda na nakatala bilang most wanted sa kaso ng illegal na droga sa ikinasang manhunt operation ng pulisya sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ng bagong hepe ng Navotas police na si P/Col. Mario Cortes ang naarestong akusado bilang si Hailde Monzales, 46 ng Blk 4 Lot 27 Market 3, NFPC, Barangay NBBN, Navotas City.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) P/BGen. Rizalito Gapas, nagsagawa ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) sa pangunguna ni PCMS Ronie Garan ng Navotas police ng manhunt operation kontra wanted persons.
Hindi na nakapalag ang akusado nang arestuhin siya ng mga pulis dakong alas-5:50 ng hapon sa Tahungan St., Pier 4, Brgy. NBBN sa bisa ng isang warrant of arrest.
Ayon kay Col. Cortes, si Monzales ay may nakabinbing warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Ronald Q. Torrijos ng Regional Trial Court (RTC) Branch 288, Navotas City para sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002-Possession of Dangerous Drugs.
Pansamantalang nakapiit ang akusado sa costudial facility unit ng Navotas police habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order ng korte. (Boysan Buenaventura)