Home METRO Most wanted person, nalambat sa Navotas

Most wanted person, nalambat sa Navotas

182
0

MANILA, Philippines- Swak sa selda ang isang mister na listed bilang most wanted sa kasong homicide matapos malambat ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Navotas police cheif P/Col. Allan Umipig ang naarestong akusado bilang si Roque Nazareno, 44, fitter ng Lapu-Lapu St., corner R-10 Road, Brgy. NBBS Proper.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen Ponce Rogelio Penones Jr, nagsagawa ang pinagsanib na puwersa ng Navotas Police Warrant and Subpoena Section (WSS) at Sub-Station 1 ng joint manhunt operation kontra wanted persons.

Advertisement

Nasakote sa nasabing police operation ang akusado dakong alas-4 ng hapon sa RLT Shipyard, E. Rodriguez St., Brgy. Tanza 1.

Ang akusado ay inaresto ng mga WSS sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Coourt (RTC) Branch 288, Navotas City noong November 16, 2021, para sa kasong Homicide.

Pansamantalang nakapiit ang akusado sa costudial facility unit ng Navotas CPS habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order ng korte. Boysan Buenaventura

Previous articleNSC chief Año, todo-depensa sa pagpapalit ng buoys sa WPS
Next articleEU: Int’l law sa WPS, respetuhin

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here