ARESTADO ang isang lalaki na listed bilang most wanted sa isinagawang manhunt operation ng pulisya sa Caloocan City.
Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong akusado bilang si Larry Boy Caminoy, 42 ng 127 Abes Compound, Gen. San Miguel St., Sangandaan.
Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Ponce Rogelio Peñones Jr, sinabi ni Col. Lacuesta na nagsagawa ang mga operatiba ng IDMS-WSS ng Caloocan police sa pangunguna ni PCMS Wilfredo Muyon ng manhunt operation kontra wanted persons na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong alas-11:15 ng umaga sa PNR Compound, Samson Road, Barangay 80.
Ani P/CMS Muyon, ang akusado inaresto nila sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court, Branch 126, Caloocan City noong June 27, 2023, para sa kasong Homicide.
Pansamantalang nakapiit ang akusado sa costudial facility ng Caloocan police habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order ng korte. Rene Manahan