Home METRO Most wanted rapist sa Calabarzon nadakma sa Bulacan!

Most wanted rapist sa Calabarzon nadakma sa Bulacan!

Bulacan-  Arestado ang Most Wanted Person ng Calabarzon matapos silbihan ng warrant of arrest ng mga awtoridad sa bayan ng Pandi.

Ayon kay PRO3 Director PBGEN Jose Hidalgo Jr., isinilbi ang warrant nitong Lunes ng umaga, Pebrero 26 ng pinagsanib na pwersa ng Meycauayan police, 2nd PMFC at Quezon PPO, PRO 4A kay Marvin Maraña ng Brgy. Bagong Barrio, Pandi.

Ang warrant ay inisyu ng Regional Trial Court, Branch 63, Calayag, Quezon noong Nobyembre 7 sa kasong rape (2 counts) at walang inirekomendang piyansa.

Pansamantalang nakakulong ang most wanted sa Meycauayan police station, custodial facility para sa kaukulang dokumentasyon.

“We remain steadfast in our pursuit of justice and will continue to collaborate with other police units to bring offenders to account for their actions,” ani Hidalgo. Dick Mirasol III

Previous articleBagong PCGG commissioner pinangalanan
Next article4 Australian lawmakers nagprotesta vs pagbisita ni PBBM