Home METRO Motor bumangga sa railings ng highway, intel cop patay

Motor bumangga sa railings ng highway, intel cop patay

MANILA, Philippines – Patay ang isang intelligence police na nag-aapply para sa promotion makaraang masangkot sa motorcycle crash sa Crossing Roman, Barangay Tabao Rizal, San Enrique, Negros Occidental noong Biyernes, Enero 26.

Ang biktima ay kinilalang si Police Patrolman Israel Mahilum, 35, ng Binalbagan, Negros Occidental. Isa siyang intelligence officer na nakatalaga sa Pontevedra (Negros Occidental) Municipal Police Station.

Ayon kay Police Major Leo Estopa, San Enrique police chief, minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo pauwi ng bahay nang bumangga ito sa railings sa gilid ng kalsada.

Nanggaling ang biktima sa Iloilo City kung saan niya ipinroseso ang aplikasyon para sa kanyang promotion bago mangyari ang aksidente.

Posibleng nakatulog ang biktima dahil sa sobrang pagod.

Sinabi pa ni Estopa na may isang nakakita na bago ang pagbangga ay pagewang-gewang na ang motorsiklo ng biktima.

Nagtamo ng pinsala sa ulo si Mahilum kahit nakasuot ito ng helmet at kalaunan ay idineklarang patay sa ospital. RNT/JGC

Previous articleIllegal logger tiklo sa checkpoint sa Nueva Vizcaya
Next articleLalaki pinagtataga ng kainuman sa Negros