Home METRO Motor taxi rider umamin sa pagpatay sa ka-live-in sa Antipolo

Motor taxi rider umamin sa pagpatay sa ka-live-in sa Antipolo

MANILA, Philippines – Sinampahan ng kasong murder ang isang lalaki na umamin sa pagpatay sa kanyang live-in-partner dahil sa selos sa Antipolo City noong Pebrero 12, sabi ng pulisya.

Kinilala ang suspek na si Roceller Santos Lanon, 31, rider ng motorcycle taxi at residente ng Barangay San Isidro, Antipolo City na umamin umano sa pagpatay sa biktimang si Janiclear Eustaquio Cahilig, isang 31-anyos na marketing assistant ng isang motorcycle trading firm.

Ang bangkay ni Cahilig ay natagpuan ng isang dumaraan sa isang madamong bahagi ng Quarry Road sa Binangonan noong Pebrero 13.

Sinabi ni Col. Manongdo na ang pahayag ng suspek ay isinagawa sa harap ng isang abogado isang araw matapos madiskubre ang bangkay ni Cahilig.

Ayon sa pulisya, batay sa salaysay ng biktima, ginawa ang pagpatay sa bahay ng mag-asawa sa Antipolo bandang alas-4 ng hapon noong Pebrero 12, kasunod ng kanilang mainit na pagtatalo.

Nag-ugat ang pagtatalo ng mag-asawa sa pagpupumilit ng babae na wakasan ang kanilang relasyon.

Tinutulan ng suspek ang hiwalayan at sa kasagsagan ng kanilang pag-aaway ay hinampas niya ang kanyang kapareha ng walang laman na bote ng softdrinks na nagpatumba sa kanya.

Sinabi ng suspek na dahil sa galit, sinakal niya ito hanggang sa mamatay gamit ang kanyang mga kamay, sabi ng pulisya.

Pagkatapos ay isinakay umano ng suspek ang biktima sa kanyang sasakyan, nagmaneho patungong Binangonan pasado alas-11 ng gabi. noong Peb. 12, at itinapon ang kanyang katawan sa isang madilim na bahagi ng kalsada.

Nasa custodial facility pa rin ng Antipolo Police Station ang suspek habang isinusulat ang balitang ito. Santi Celario

Previous articleWalang kasunduan sa pagitan ng Pinas, Tsina sa Ayungin resupply mission – DFA
Next articleProtective reliefs pabor sa 2 environmentalist ipinagkaloob ng SC