Home HOME BANNER STORY Motorista patay sa saksak sa road rage

Motorista patay sa saksak sa road rage

MANILA, Philippines – Patay sa saksak ang isang motorista habang sugatan ang kasama nito sa isang road rage incident nitong Miyerkules ng gabi, Hunyo 26, sa San Juan, Batangas.

Ayon sa Batangas provincial police office, sakay ng tricycle sina “Mike” at “Adrian” sa Barangay Poctol bandang 9:10 ng gabi nang makainitan ang isang motorcycle rider dahil sa nakasisilaw na headlight.

Nagresulta ang argumento sa pagbunot ng patalim ng motorcycle rider na si “Roldan” at sinaksak si Mike sa tiyan.

Umawat si Adrian ngunit maging ito ay sinaksak ni Roldan.

Tumakas si Roldan at dalawa pa nitong kasamahan na isa ay kinilalang si “Victor” na pawang mga residente ng nabanggit na barangay.

Nasawi si Mike habang dinadala sa San Juan Doctors Hospital.

Tinutugis na ng mga awtoridad ang suspek at mga kasamahan nito. RNT/JGC