Home ENTERTAINMENT Movie ni Juday, naudlot ang shooting, sinisisi ang global warming!

Movie ni Juday, naudlot ang shooting, sinisisi ang global warming!

Manila, Philippines – Hindi maaaring hindi matuloy ang natanguan nang film project ni Judy Ann Santos na Mrs. Winters.

Si Sam Milby ang makakasama niya rito, kung saan sa Canada supposedly kukunan ang kabuuan nito.

For some reason, nagkaproblema ang visa ni Judy Ann.

Entonces, naka-hold ang pelikula.

Ani Juday, kung nagkataong May or June natuloy ang shoot sa Canada ay mawawala ang essence based on the title.

Sa autumn o summer kasi papatak ang sked ng shooting.

No choice daw ang aktres but to wait until the next winter in Canada just to live up to the title.

Tuloy ay napagbuntunan ng sisi ni Juday ang global warming: “Dahil du’n kaya paiba-iba ang season!”

Anyway, Juday is happy to have wrapped up work for the HBO series Call My Agent.

Balita ring there are plans underway para magsama sila ni Claudine Barretto sa isang pelikula, bagay which the latter is eagerly looking forward to.

Pakiusap nga lang ni Juday sa iba nilang fans is to be a little more mature.

Lipas na raw kasi ang panahong umaabot sa puntong nagkakapisikalan ang kanilang mga tagahanga in support of their idols.

“Enough of that!” sey pa ni Mrs. Agoncillo. Ronnie Carrasco III

Previous articleSundalo patay sa engkwentro sa NPA sa Iloilo
Next articleScarlet, kinabog si Liza sa pa-quiz ni Dra. Vicky!