Home ENTERTAINMENT Movie tickets bet gawing buy one-take-one ni Bong

Movie tickets bet gawing buy one-take-one ni Bong

Manila, Philippines – Wish ni Vilma Santos ay babaan naman daw ang presyo ng ticket sa mga commercial theatre.

Aniya, hindi raw lahat ng ating mga mamamayang mahilig manood ng sine ay afford ang P400.

Hirit naman ni Congressman Dan Fernandez, kung siya raw ang masusunod ay ipapako niya sa P200 ang presyo ng ticket.

Maging si Perci Intalan, pangulo ng sang film producers’ group, ay ganito rin ang kahilingan.

Matagal na rin naman kasing agenda ito na tinatalakay sa Mababang Kapulungan at maging sa mga pagdinig sa Senado.

Sa pamamagitan ni Lorna Tolentino ay nabanggit ng premyadong aktres kay Senator Bong Revilla na naipatupad ng SM Cinemas kahit isang araw lang ang paniningil ng

P65 sa sinehan nitong nakaraan lang.

Nagkataon kasi na ang palabas ng araw na ‘yon ay ang Monster.

Ito ‘yung foreign film na magkasamang binili nina Lorna at Sylvia Sanchez ng Nathan

Studios para i-distribute dito.

Ani LT, maganda raw ang naging resulta nito sa takilya.

Sa parte naman ni Bong, matagal na raw tinatalakay sa kanilang Senate hearings ang posibilidad na babaan ang presyo ng ticket.

Pero hindi raw ganoon kadali ‘yon dahil mahabang usapan daw ‘yon.

Kinakailangan din daw isaalang-alang ang panig ng mga cinema owners.

Pero kung siya raw ang masusunod, nais ng mambabatas na gawing “buy one, take one” ang ticket.

Hindi nga lang binanggit ni Bong kung ano para sa kanya ang ideal o fair ticket price.

Pero isang paraan daw ‘yon para mahikayat ang publiko na bumalik sa mga sinehan.

As far as Vilma naman is concerned pag binabaan daw ang presyo ng ticket para gawing abot-kaya ng moviegoing public ay tiyak na manunumbalik ang sigla.

Siyempre, maeeengganyo ang maraming producer na gumawa ng pelikula dahil nakakatiyak sila sa kikitain nito.

Not to mention, more films mean more jobs for the industry workèrs.

Is it something kaya we see on the horizon? Ronnie Carrasco III

Previous articleKris at Boy, nagkita sa US!
Next articleIRR ng benepisyo ng dependents ng nasawing prosecutor nilagdaan ni Remulla