MANILA, Philippines – Handa na ang kapulisan ng Manila Police District (MPD) para sa nakatakdang bar examination ngayong taon na magsisimula sa Linggo, Setyembre 17.
Ayon sa pamunuan ng MPD, aabot sa mahigit dalawang libong kapulisan ang ipapakalat sa San Beda University at University of Santo Tomas, mga pagdarausan ng bar exams.
Sinabi ni MPD Director P/Brig.General Andre Dizon na magkakaroon din ng reinforcements mula naman sa mga pwersa ng Philippine Coast Guard, Metro Manila Development Authority, Manila Disaster Risk Reduction and Management Office, Bureau of Fire and Protection, Manila Heatlh Department at Department of Public Safety.
May force multiplier din ang kapulisan mula naman sa mga barangay tanod at mga tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau. Jocelyn Tabangcura-Domenden