Home NATIONWIDE MPD sa Christmas shoppers: Mag-ingat sa mandurukot

MPD sa Christmas shoppers: Mag-ingat sa mandurukot

MANILA, Philippines – Pinaalalahanan ng pamunuan ng Manila Police District (MPD) ang mga Christmas shopper sa Divisoria market para mas maging mapagmatyag.

Ayon sa MPD, naglagay ito ng karagdagang tarpulin na naglalaman ng mga paalala sa kaligtasan para sa mga mamimili.

Ang mga tarpaulin ay inilagay sa mga poste sa mga kanto ng kalye sa paligid ng Divisoria.

Hinimok din ng MPD ang mga mamimili na iwasan ang pagsusuot ng mamahaling alahas pati ang pakikipag-usap sa mga hindi kilala.

Pinayuhan din sila nito na magdala ng kaunting pera hangga’t maaari at gamitin ang internet o cellphone banking bilang alternatibo.

Para sa mga namimili na may kasamang mga bata, ipasuot sa kanilang mga anak ang mga identification card upang madali silang matagpuan kung sakaling mawala sila.

Hinikayat din ng MPD ang publiko na alamin ang mga MPD police outposts bago mag- shopping.

Samantala, pinag-iingat din ang mga mamimili laban sa mga scammers kapag nakikipag-trabsaksyon sa kanilang pamimili online. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous articleTaas-sahod sa Mimaropa kasado na sa Dis. 7
Next articleComelec sa Kongreso: Buong voters list ipawalang-bisa pagkatapos ng 2025 polls