Home NATIONWIDE MSMEs posibleng magsara, magbawas ng empleyado sa P100 wage hike – solon

MSMEs posibleng magsara, magbawas ng empleyado sa P100 wage hike – solon

MANILA, Philippines – Nagbabala ang isang mambabatas nitong Huwebes, Pebrero 10 na posibleng magdulot ng pagsasara o pagtatanggal ng mga empleyado sa micro, small, and medium enterprises (MSMEs) ang wage hike sa pribadong sektor.

“Ipapasa mo ang burden na ito sa maliliit na negosyante na ang posibleng gawin ay magsara o magbawas ng empleyado,” sinabi ni Iloilo Representative Janette Garin sa press briefing.

“‘Yan ang mas masakit, kasi at this point of time, the primary goal of the government should be sustaining all existing businesses,” dagdag pa niya.

Kasunod ito ng pag-apruba sa ikalawang pagbasa ng Senado sa panukalang naglalayong dagdagan ang arawang sahod ng mga manggagawa sa pribadong sektor ng P100.

Sa kanyang manipestasyon bago ang ikalawang pagbasa, umapela si Senate President Juan Miguel Zubiri sa Kamara na magpasa rin ng kahalintulad na panukala.

“Maganda talaga ang intensyon ng Senado at ito nga ay good news sana pero ang dami naman kasing batas na nagpapaasa pero tila walang pag-asa if we talk about really uplifting the lives of our people,” ani Garin, vice chairperson ng House Appropriations Panel at miyembro ng labor and employment committee.

“Hindi lamang po ‘yung mga empleyado ‘yung ating constituents. Constituents din po natin ‘yung MSMEs. Kung tinutulungan natin ‘yung mga 4Ps at ‘yung mga walang trabaho… maganda ‘yun. Pero hindi ‘yun ang buong Pilipinas,” dagdag pa niya.

Nauna nang nagbabala si Labor and Employment Secretary Bienvenido Laguesma na ang wage hike proposal ay maaaring magbigay ng suliranin sa mga negosyo. RNT/JGC

Previous articleParental guidance sa pag-aaral ng bata, paiigtingin ng Senado
Next articleDBM nagpalabas ng P2.5B sa Free Public Internet Access Program (FPIAP)