Home ENTERTAINMENT MTRCB, nagsalita na sa isyu ng pelikulang Barbie!

MTRCB, nagsalita na sa isyu ng pelikulang Barbie!

Manila, Philippines – Lumakas ang panawagan na i-ban ang pagpapalabas ng Hollywood film na Barbie, na produced ng Warner Bros. Pictures, nang sinabi ni Sen. Francis Tolentino na kapag ipinalabas ito sa commercial screening “will only lead to ‘injurious’ consequences to the prestige of the Republic of the Philippines.”

Dagdag pa ng senador, “This will not just be injurious to the Republic of the Philippines but would be contrary to what our country fought for and achieved under that Arbitral Ruling in 2016.”

May eksena kasi sa pelikula kung saan nabanggit ang ‘nine-dash line’, na siyang basehan ng People’s Republic of China of their supposed militaristic expansion in the entire South China Sea (SCS) region, kasama ang zone along the West Philippine Sea (WPS).

Kung matatandaan, taong 2016 nang nagdesisyon ang Hague Tribunal na invalidated ang Beijing’s ‘nine-dash line doctrine’ over the entire SCS region.

Gusto ni Sen. Tolentino’s na i-block ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang commercial screening sa Pinas ng Barbie movie.

Nauna na ang Vietnamese government na i-ban ang screening ng Barbie sa kanilang bansa.

Naglabas naman ng statement ang MTRCB at ito ang pahayag ng ahensiya.

“We confirm that the Board has reviewed the film “Barbie”, 04 July 2023. At this time, the assigned Committee on First Review is deliberating on the request of Warner Brothers F.E. Inc. for a Permit to Exhibit. Once available, a copy of the Permit to Exhibit or the Committee’s decision will be uploaded to the Agency’s official website: mtrcb.gov.ph”

Abangan natin ang magiging desisyon ng MTRCB sa pelikulang Barbie. JP Ignacio

Previous articleZambales inuga ng M-4.8 na lindol, naramdaman sa QC
Next articleKahit tag-ulan, heat index sa Maynila pumalo sa 37°C

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here