Home NATIONWIDE MTRCB: Wala kaming awtoridad sa Cha-cha ad

MTRCB: Wala kaming awtoridad sa Cha-cha ad

MANILA, Philippines – WALANG kapangyarihan ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na imbestigahan ang kontrobersiyal na television commercial na nagkakampanya para sa Charter Change (Cha-cha).

Ito ang inihayag ng MTRCB, ahensiya ng pamahalaan na in-charge sa screening broadcast content sa naging panawagan ni dating presidential spokesperson Harry Roque na imbestigahan ng ahensiya ang pag-ere ng advertisement.

“The board clarifies that it has no authority to screen, review, and examine commercials and advertisements, except for those categorized as publicity materials/promotional material as defined in Presidential Decree No. 1986 and its implementing rules and regulations,” ang nakasaad sa kalat as ng MTRCB.

Nakasaad sa PD 1986 na binibigyang kahulugan ang publicity materials bilang “any material used to generate public interest in a motion picture or television program such as television commercials, movie, and television trailers, print advertisements, still photos, photo frames, leaflets, posters and billboards and other related media.”

Ayon sa MTRCB ang isang industry group ay ang tamang venue para imbestigahan ang bagay na ito.

“The board recognizes the authority of the Ad Standards Council of the Philippines as the advertising industry’s self-regulatory body responsible for overseeing advertising and brand communication materials across all media to safeguard consumers’ interests and ensure honest, fair, and responsible advertising,” ayon sa MTRCB.

Sa ulat, ang paid advertisement ay nananawagan na amiyendahan ang 1987 Constitution, Sinasabing ang charter matapos ang 1986 EDSA People Power Revolution ang naging dahilan para matigil ang progreso ng bansa sa pamamagitan ng pagharang sa mga global investor at ang nakikinabang lamang dito ay ang lokal na mga negosyante.

Ginamit din ng advertisement ang agaw-pansin na salita na EDSA-pwera,” nangangahulugan na “EDSA at Filipino” na salita na “left out.” Kris Jose

Previous articleDOH sa PNP: Vape ban sa minor ipatupad
Next articleSewage treatment plant sa Palawan itatayo vs coliform bacteria