Home ENTERTAINMENT MU 1st runner-up, nasa Pinas!

MU 1st runner-up, nasa Pinas!

Manila, Philippines – Dumating na sa bansa si Miss Universe first runner-up na si Antonia Porsild.

Si Porsild ang kinatawan ng Thailand na naging malapit sa ating kandidatang si Michelle Marquez Dy nitong idaos ang ika-72 edisyon ng MU sa El Salvador.

Babalik din sa Thailand si Porsild sa January 31.

November 22 noong isang taon nang ibalita ni Michelle na bibisita si Porsild sa bansa.

Bagama’t may mga proyekto raw silang gagawin, hindi binanggit ni Michelle kung anu-ano ang mga ito.

As in every year, ang Pilipinas at Thailand ang sinasabing mahigpit na magkalaban sa mga international beauty pageant.

Pero “nasira” ito sa kaso nina Michelle at Antonia who became close all throughout the pageant.

“Mommy” at “Daddy” pa nga ang kanilang term of endearment.

Nag-trending din ang portmanteau na pinagsamang mga pangalan nila: ang “PorDee.”

Hindi lingid sa kaalaman ng ating mga kababayan na isang self-confessed member ng LGBTQIA+ si Michelle.

Samantala, inaantabayan ng mga netizens ang magiging reaksyon ni Porsild sa balitang naugnay umano si Michelle sa isang “hotel heiress.”

Pero mas magandang si Michelle na mismo ang maglinaw kung may katotohanan ito as reported in an online news outlet.

Sa parte ni Antonia, may nobyo na ito.

To Antonia, it’s nice to see you back! Your Pinoy pageant fans are excited to see you! Ronnie Carrasco III

Previous articleMarcoleta sinopla sa Senate probe sa nabigong people’s initiative
Next articleUS, China ‘key actors’ sa peace, security sa Asia-Pacific Region – PBBM