Home NATIONWIDE Muling pagde-deploy ng Russia ng missiles nakaamba

Muling pagde-deploy ng Russia ng missiles nakaamba

MOSCOW- Sinabi ni Vladimir Putin said nitong Biyernes na posibleng ibalik ng Russia ang produksyon ng intermediate at shorter range nuclear-capable missiles at ikonsodera kung saan ito ide-deploy matapos umanong magdala ng United States ng parehong missiles sa Europe at sa Asya.

Inihayag ni Putin na nangako ang Russia na hindi magde-deploy ng nasabing missiles subalit ipinagpatuloy umano ng United States ang produksyon nito, at dinala ang mga ito sa Denmark para sa mga pagsasanay, maging sa Pilipinas.

“We need to respond to this and make decisions about what we will have to do in this direction next,” ayon kay Putin.

“Apparently, we need to start manufacturing these strike systems and then, based on the actual situation, make decisions about where – if necessary to ensure our safety – to place them,” dagdag niya.

Ang Intermediate-range Nuclear Forces (INF) Treaty, nilagdaan nina Mikhail Gorbachev at Ronald Reagan noong 1987, ang unang pagkakataon na nagkasundo ang superpowers na babawasan ang kanilang nuclear arsenals at kinalos ang kategorya ng nuclear weapons.

Pormal na kumalas ang United States sa ilalim ni dating President Donald Trump mula sa INF Treaty noong 2019 matapos sabihing lumalabag ang Moscow sa kasunduan, sa akusasyong makailang-ulit na itinanggi ng Kremlin. RNT/SA