Home NATIONWIDE Multilateral joint patrol sa WPS inihahanda na – Amb. Romualdez

Multilateral joint patrol sa WPS inihahanda na – Amb. Romualdez

MANILA, Philippines – Posibleng mangyari rin ang joint patrol sa West Philippine Sea na kasama ang iba pang mga bansa habang patuloy na inaabot ng Pilipinas ang “like-minded nations” upang masiguro ang kapayapaan sa pinag-aagawang lugar, sinabi ni Philippine Ambassador to the United States Jose ‘Babe’ Manuel Romualdez nitong Miyerkules, Nobyembre 22.

“We are also working with other countries like Australia, Japan, and even South Korea and perhaps sometime in the future we’re going to have a multilateral joint patrol,” sinabi ni Romualdez sa panayam ng CNN Philippines.

Aniya, si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay “very clear he wants to see a combination of other countries that have the same interests to make sure that the waters are free from any kind of harassment from other countries.”

Matatandaan na nagsimula na ang tatlong araw na maritime at air patrols sa West Philippine Sea ng Pilipinasa at US bilang bahagi ng serye ng aktibidad para palakasin at mapanatili ang kapayapaan sa pinag-aagawang lugar.

Nagsimula ito sa bisinidad ng Batanes, at magtatapos sa West Philippine Sea.

Matagal na umanong pinaplano ng mga awtoridad na mangyari ito, at nagbigay naman ng “go signal” ang Pangulo para sa joint patrol nang nagtungo ito sa Hawaii.

Sa kasalukuyan ay wala pang usapin kung sasama rin ang mga sundalong Amerikano sa resupply mission patungong Ayungin Shoal.

Kabilang din sa mga kinakausap ng Pilipinas para sa joint patrols ang Vietnam at Malaysia, na mayroon ding territorial claims sa nasabing lugar.

“There is an indication that both countries, Vietnam and Malaysia, are very interested into also being able to protect the waters from any kind of interference,” ani Romualdez. RNT/JGC

Previous articleDREAMCATCHER Siyeon magla-live habang nakasakay sa roller coaster kung…
Next articlePower of Innovation inilunsad ng DOH, PHAP