Home NATIONWIDE Multiple entry visa sa foreign workers, pinapayagan ng Taiwan

Multiple entry visa sa foreign workers, pinapayagan ng Taiwan

MANILA, Philippines – Pinaluwag ng mga awtoridad sa imigrasyon ng Taiwan ang muling pagpasok ng mga dayuhang manggagawa sa teritoryo nito sa pamamagitan ng pagpayag sa kanila na mag-aplay para sa multiple entry visa, inihayag ng Manila Economic and Cultural Office nitong Martes.

Sa ulat kay MECO chairman Silvestre H.Bello III, sinabi ni Director David Des Dicang ng Migrant Workers Office sa Kaohsiung na mahigit sa 150,000 overseas Filipino workers sa Taiwan ang magbebenepisyo sa bagong polisiya.

“We are very pleased with this latest development that will ease the burden on our OFWs. This means savings in terms of time and money in the processing of travel documents to Taiwan for our workers,” saad ni Bello

Sa ulat, sinabi ni Dicang na ang nagbabakasyon na mga OFW ay kailangang ipagbigay alam sa kanilang Taiwan Manpower Agencies (brokers) ng kahit tatlong linggo bago ang scheduled departure upang mabigyan sila ng sapat na panahon para sa pagpapalit ng kanilang R.O.C. (Taiwan) Resident Certificate (ARC) na magsasaad ng karapatan sa mutiple re-entry visa.

“Such reentry permit is for multiple uses, and its validity period shall not exceed the validity period of the ARC,” sabi ni Dicang . Dagdag pa niya, kapag nakansela ang work permit, ituturing ding kanselado ang reentry permit.

Pinaalalahanan ni Dicang ang mga OFW na mahigpit na sundin ang panahon ng pagbabalik sa Taiwan, dahil ang mga pinalawig na bakasyon ay maaaring humantong sa Absence Without Leave (AWOL) at maaaring magresulta sa pagkansela ng kanilang Work Permit/ARC at maiwasan ang kanilang reentry sa Taiwan.

Ang mga bagong panuntunan ay nag-amyenda sa ilang mga probisyon ng mga regulasyon sa imigrasyon ng Taiwan para sa pananatili at paninirahan ng mga dayuhan.

Dati, ang mga dayuhan na nagtatrabaho sa Taiwan at sakop ng Employment Service Act nito ay hindi karapat-dapat na mag-aplay para sa maramihang reentry permit.

“But due considerations and in order to safeguard the rights of foreign workers, the regulations have been relaxed,” saad pa ni Dicang sa kanyang ulat, idinagdag pa na ang mga bagong alituntunin ay nakapag-streamline din ng proseso para sa mga OFW.

Ayon pa kay Dicang, ang bagong polisiya ay magiging epektibo ngayong buwan. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous articleUnang babaeng spox ng AFP itinalaga
Next articleVietnamese na nali-link kay Daniel, nagsalita!