Home NATIONWIDE Mungkahi ni Catapang paulit-ulit na paggawa ng krimen: PDL ikulong sa BuCor...

Mungkahi ni Catapang paulit-ulit na paggawa ng krimen: PDL ikulong sa BuCor facilities

MANILA, Philippines- Iminungkahi ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Catapang Jr. na ipasok sa mga bilangguan ng BuCor ang inmates na may sentensyang tatlong taon pababa.

Sinabi ni Catapang na sakop ng kanyang panukala ang persons deprived of liberty (PDLs) na nasa mga kulungan ng Bureau of Management and Jail Penology (BJMP).

Una nang inamin ni BJMP chief Ruel Rivera na mataas ang kaso ng recidivism o ang gawi ng isang nahatulang kriminal na bumalik sa dating kriminal na gawain.

Aniya, posibleng kulang sa mga programa upang magbago ang PDL.

Dahil dito inirekomenda ni Catapang na kahit mababa lamang ang iginawad na prison term ay ikukulong sa pasilidad ng BuCor para matugunan ang problema ng ‘recidivism’ at hindi magpabalik-balik sa kulungan.

Kumpiyansa si Catapang na malaking tulong sa lipunan ang kanyang mungkahi dahil matitigil na ang pagawa ng paulit-ulit na krimen.

Ang mga pasilidad ng BJMP ay mayroong 13,000 PDLs na hinatulan na makulong ng tatlong taon pababa.

Ipinaliwanag ni Catapang na hindi magiging problema ang siksikan sa mga pasilidad ng BuCor dahil patuloy ang pagpapagawa nila ng detention facilities. Teresa Tavares

Previous articlePBBM sa Kapistahan ng Immaculada Concepcion: Kapayapaan, pagbibigayan, kabutihang-loob isabuhay
Next articleAlert status ng Mayon Volcano ibinaba sa Level 2