Home NATIONWIDE Munisipalidad sa Davao Occidental, niyanig ng magkasunod na lindol

Munisipalidad sa Davao Occidental, niyanig ng magkasunod na lindol

MANILA, Philippines – Niyanig ng dalawang magkasunod na lingol ang munisipalidad ng Jose Abad Santos, Davao Occidental nitong Lunes, Nobyembre 27.

Ayon sa PAGASA, ang unang lindol ay tumama 12:03 ng tanghali na may lakas na magnitude 3.8.

Ang sentro ng unang lindol ay nasa 207 kilometro timog-silangan ng Jose Abad Santos. Ito ay tectonic in origin at may lalim na 157 kilometro.

Habang ang ikalawang lindol ay tumama 12:46 ng hapon na isang magnitude 2.4.

Ang sentro naman nito ay naitala 14 kilometro hilagang-kanluran ng Jose Abad Santos.

Ito naman ay tectonic in origin at may lalim na 176 kilometro. RNT/JGC

Previous article2 pang persons of interest sa Cebu jewelry heist, arestado!
Next articleUtility worker sa loob ng mall, arestado sa buy bust ops