Home NATIONWIDE Murang well-milled rice mabibili na sa BuCor

Murang well-milled rice mabibili na sa BuCor

352
0

MANILA, Philippines – Simula bukas, Setyembre 16 ay mabibili na rin sa Kadiwa pop-up store sa loob ng Bureau of Corrections ang mas murang halaga ng well-milled rice.

Ayon kay BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr., mas mababa ng piso o P44 lang kada kilo ang benta kumpara sa ₱45 price cap na itinatakda ng pamahalaan.

Bukod sa bigas, mabibili rin sa KADIWA store ang agriculture products mula sa New Bilibid Prison gaya ng manok, baboy, isda, itlog, mantika, sibuyas, bawang, saging, root crops, kape at mga prutas.

Binuksan ang Kadiwa store nitong Setyembre 13, na itinaon sa ika-66 na kaarawan ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Teresa Tavares

Previous articlePH Embassy sa Kuwait, DMW pinuri ni PBBM sa pagkamit ng katarungan kay Ranara
Next articlePamilya ni Ranara ‘di pa rin nakatatanggap ng kompensasyon mula sa employer – DFA exec

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here