Home NATIONWIDE Muslim prayer room sa mga gov’t building, private establishment hirit ni Hataman

Muslim prayer room sa mga gov’t building, private establishment hirit ni Hataman

82
0

MANILA, Philippines- Itinutulak ni Basilan Rep. Mujiv Hataman sa inihaing House Bill 7117 ang pagkakaroon ng prayer room para sa mga Muslim sa mga gusali ng gobyerno at maging sa mga pribadong establisimyento.

Ayon kay Hataman, palaki na ang populasyon ng mga Muslim na sa ngayon ay nasa anim hanggang 12 milyon, na isa umano sa mga dahilan kung bakit nito itinutulak ang pagbibigay ng prayer room sa mga Muslim sa mga lugar na ginagamit ng publiko.

“We seek to require the establishment of at least one Muslim prayer room in every government facility, airport and transport terminal, hospital and military camp, as well as other privately owned establishments,” nakasaad sa panukala.

Inamin ni Hataman na karaniwang hirap ang mga Muslim sa paghahanap ng kanilang worship place sa mga pampublikong lugar lalo at kinakailangan ng mga ito na magdasal ng limang beses sa loob ng isang araw.

“Ang pagdarasal ay mahalaga sa lahat ng relihiyon. Sa aming mga Muslim, ginagawa namin ito limang beses sa isang araw, nasaan man kami abutan. Kaya mahalaga na laging may lugar kung saan pwedeng magdasal ang mga kapatid nating Muslim,” paliwanag ni Hataman.

Aniya, bagama’t may ilang lugar na mayroon nang ganitong espasyo para sa mga Muslim ay kanila pa rin na isinusulong na madagdagan ito.

“Imbes na limitahan natin ang mga lugar na maaaring puntahan ng ating kapatid na Muslim, gawin nating mas accessible ang pagdarasal bilang bahagi ng kalayaan sa pagpapahayag ng aming pananampalataya,” pagtatapos pa nito. Gail Mendoza

Previous articleOSPITAL GIBA, MAY BLACKOUT, WALANG INTERNET SA LINDOL
Next articlePCG: Distressed Chinese vessel sa Tacloban, ‘kahina-hinala’