Home METRO MWP arestado sa Valenzuela

MWP arestado sa Valenzuela

MANILA, Philippines – SHOOT sa kulungan ang isang lalaki na wanted sa kasong murder matapos maaresto ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Valenzuela City.

Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr., ang naarestong akusado na si alyas “Ronnie”, 36 ng Brgy. 164, Talipapa, Quezon City.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Destura na nakatanggap ang mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) ng impormasyon na naispatan ang presensiya ng akusado sa Pinalagad, Brgy. Malinta.

Kaagad bumuo ng team ang SIS sa pangunguna ni P/Cpt. Ronald Sanchez saka nagsagawa ng manhunt operation kontra wanted persons na nagresulta sa pagkakadakip sa akusado dakong alas-9:15 ng gabi sa Area 4, Pinalagad, Brgy. Malinta.

Ayon kat Cpt. Sanchez, si Ronnie ay inaresto nila sa bisa ng order of arrest na inisyu ni Presiding Judge Arthur B. Melicor ng Valenzuela City Regional Trial Court, Branch 284, noong June 23, 2023, para sa kasong Murder.

Pansamantalang ipiniit ang akusado sa Custodial Facility Unit ng Valenzuela police habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte. Rene Manahan

Previous articleWALANG PUSO: China muling kinondena sa pambobomba ng tubig sa BFAR vessel
Next articleRANGGO NG PILIPINAS SA “ENGLISH PROFICIENCY” TUMAAS NGAYONG 2023