Home METRO MWP nalambat sa Valenzuela

MWP nalambat sa Valenzuela

MANILA, Philippines- Swak sa rehas na bakal ang isang lalaki na wanted sa kasong pangmomolestiya sa isang menor-de-edad matapos maaresto ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Valenzuela City.

Ayon kay Valenzuela City Police chief P/Col. Salvador Destura Jr., nakatanggap ng impormasyn ang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) hinggil sa kinaroroonan ng akusadong si alyas “Jojo.”

Kasama ang mga tauhan ng Northern NCR Maritime Police Station, agad nagsagawa ng joint manhunt operation ang WSS na nagresulta sa pagkakadakip sa akusado dakong alas-10:40 ng umaga sa Chico St., Brgy., Gen. T. De Leon.

Binitbit ng mga pulis ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Mateo B Altarejos ng Family Court Branch 16, Valenzuela City noong March 11, 2024, para sa kasong Acts of Lasciviousness RPC Art. 336 in rel. to Sec. 5(b) of R.A. 7610 – Child Abuse Law as amended by R.A. 11648 (2 counts). Merly Duero

Previous articlePETA sa publiko: Go Vegan ‘di lang tuwing Mahal na Araw
Next articleTolentino, nakipagpulong sa mga awtoridad ng SLEX, NLEX, CALAX