Home NATIONWIDE MWSS muling kinastigo sa napipintong kakapusan ng suplay ng tubig

MWSS muling kinastigo sa napipintong kakapusan ng suplay ng tubig

MANILA, Philippines – Muling nakatikim pambabatikos ang Metropolitan Water and Sewerage System (MWSS) sa namimintong kakapusan ng suplay ng tubig sa Kamaynilaan dahil paulit-ulit na problemang hindi nabibigyan ng kalutasan.

Sa pahayag, muling kinastigo ni Senador Grace Poe, chairman ng Senate committee on public service na tila déjà vu ang pangyayari na hindi nabibigyan ng solusyon sa kabila nang palaging paalala sa ahensiya.

“The possible water interruption if MWSS decreases water pressure gives a sense of déjà vu. Paulit-ulit lang ang nararanasan nating kakulangan sa tubig tuwing tag-init,” giit ni Poe.

Sinabi ni Poe na alam naman ng MWSS na foreseaeable climate pattern ang El Nino na dapat napaghahandaan sa mahabang panahon tulad ng ginagawa sa ibang bansa na palaging may nakaantabay na contingency plan sa ganitong senaryo.

“Concerned agencies and water concessionaires should have been prepared from the outset to ensure consumers would no longer suffer the nightmare of not having a drop from the tap,” giit ni Poe.

Inasahang magkakaroon ng kasagsagan ng El Nino sa buwan ng Abril hanggang Mayo na tinatawag na meteorological drought at maaari pang tumagal hanggang katapus ng Hunyo sa kabila ng inaasahang pabugso-bugsong pag-ulan.

Sinabi pa ni Poe na matinding mararamdaman ng kakapusan ng suplay ng tubig sa kabahayan, negosyo, paaralan at iba pang consumer.

“A sufficient water supply is a ubiquitous problem. But in a country visited by typhoons at an average of 21 times a year, concessionaires should invest more and expedite better water infrastructure,” ayon kay Poe. Ernie Reyes

Previous articleJoshua at Julia, nagyakapan at nag-beso; Charo, kinilig!
Next articleACR ng dayuhan na sangkot sa POGO-crimes, pinababawi ni Win