Home NATIONWIDE N.1 variant, 39% ‘gang 50% ng COVID cases sa US – CDC

N.1 variant, 39% ‘gang 50% ng COVID cases sa US – CDC

UNITED STATES – Iniulat ng U.S. Centers for Disease Control and Prevention (CDC) na binubuo ng COVID subvariant JN.1 ang 39% hanggang 50% ng mga kaso sa Estados Unidos hanggang nitong Disyembre 23.

Ito ay mas mataas mula sa pagtayang 15% hanggang 29% ng kaso sa US noong Disyembre 8.

Sinabi ng CDC na patuloy na pinapataas ng variant ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa kabila nito, masyado pa umanong maaga upang matuloy kung gaano pa kalawak ang magiging epekto ng JN.1 sa dami ng kaso sa bansa.

Noong Martes, tinukoy ng World Health Organization ang JN.1 bilang “variant of interest.” RNT/JGC

Previous articleUnprogrammed funds sa 2024 budget, ‘di pork barrel – Gatchalian
Next articleBayan nanawagan, mga paglabag ng SMNI busisiin pa