Home OPINION “NA-LEAK BA ANG PHILHEALTH   DATA KO?” INILUNSAD NG NPC

“NA-LEAK BA ANG PHILHEALTH   DATA KO?” INILUNSAD NG NPC

NAGLUNSAD ng isang database search portal ang NPC o ang National Privacy Commission para matulungan ang mga miyembro ng PHILHEALTH o ng Philippine Health Insurance Corporation na maseguro na ligtas ang kanilang personal information, at tinawag itong “Na-leak ba ang PHILHEALTH data ko?”

Ayon sa NPC, ang portal na philhealth.privacy.gov.ph ay eks­klusibong nakasentro sa nangyaring insidente ng cyberattack ng Medussa Ransomware Group.
Sa kasalukuyan ay nasa 1 million mula sa 8.5 million na records ng mga senior citizen ang nasa portal.
Ang portal ay ginagamit sa pagbibigay-proteksyon sa mga personal information kontra identity theft at phishing attacks.
Matatandaan na nagkaroon ng hacking sa PHILHEALTH system noong September 22, 2023 at ayon sa paunang pagsisiyasat, nasa 72 work stations kabilang ang e-claims system, member portal system at collection system.
Pero pagtitiyak ng ahensiya, walang anomang datos o impomasyon ng mga miyembro ang nakumpirmiso sa naganap na cyberattack.
LUMANG LINYA NG TUBIG SA CALOOCAN, NAPALITAN NA NG MAYNILAD
IBINALITA ng Maynilad Water Services, Incorporated na matagumpay na nitong napalitan ang lumang linya ng tubig na may kabuuang habang 224 kilometers (km) sa Caloocan City.
Sinimulan ang proyekto noong taong 2019 na nagkakaha­laga ng Php 829 million na kinabilangan ng pagpapalit ng pri­mary, secondary at tertiary pipelines sa dalawampung barangay na mahigit 70 taon na ang tanda ng mga linya ng tubig.
Tumagal ng halos limang taon ang proyekto dulot ng COVID-19 pandemic at pagtatrabaho lamang sa gabi para maiwasan ang matinding traffic sa mga lansangan. Pero nagbunga ito ng pagtaas ng bugso ng daloy ng tubig sa maraming lugar at nawala ang tinatayang 6 million liters per day (MLD) na nasa­sayang na tubig.
Naglaan ang Maynilad ng halagang Php 11 billion para sa pipe replacement projects mula taong 2023 hanggang 2027 na gagawin sa iba’t bang lugar na saklaw nito na may kabuuang 477.2 km na luma at may tagas na linya ng tubig sa loob ng limang taon. Mula nang sumailalim sa re-privatization noong taong 2007, nagawa na nitong makapagpalit ng 3,188 km na mga pipeline na kasinghaba ng distansiya ng Maynila at Japan.
Ang Maynilad ang siyang pinakamalaking private water concessionaire sa bansa batay sa dami ng mga kostumer sa west zone ng Greater Manila Area na kinabibilangan ng San Andres at Sta. Ana, Maynila; bahagi ng Quezon City; bahagi ng Makati city; at mga lungsod ng Calooc, Pasay, Parañaque, Las Piñas, Malabon, Muntinlupa, Navotas, at Valenzuela sa National Ca­pital Region, at maging ang mga lungsod ng Bacoor, Cavite at Imus, at mga bayan ng Kawit, Noveleta at Rosario sa lalawigan ng Cavite.
Previous articleDRIVER NG SUV, SINONG IPINAGMAMALAKI?
Next articleANYARE, LWUA BOARD CHAIR ONG?