Home OPINION NA-STROKE, UMAAWIT MULI SA ACUPUNCTURE

NA-STROKE, UMAAWIT MULI SA ACUPUNCTURE

SI Carina Fernandez, ng Sta. Maria, Bulacan, ay na-stroke, paralisado ang kalahating katawan at binubuhat noong una para magpagamot sa acupuncture at naturopathy.

Ngayon, nakalalakad na nang walang wheelchair at tungkod at umaawit na nang matino na hindi niya magawa noong hindi pa siya ginagamot dahil pumilipit ang kanyang dila.

Ang isa naman, may sakit na prostate at naospital nang biglang tumigil ang kanyang pag-ihi, ngunit ngayon gumagaang na ang kanyang kalagayan at sinusubukan na nitong umihi nang walang catheter.

May kidney disease naman ang isa at ngayo’y gumagaang na rin ang kalagayan at sana maagapan umano ang malapit nang pagkakaroon nito ng malalang sakit sa bato.

Ito ang mga tunay at buhay na kasaysayan ng mga pasyente na nagpapatunay na mabisa ang acupuncture at naturopathy at nakaiiwas na sila sa daan-daan libong pisong halaga nang pagpapagamot sa mga doktor at ospital.

Sa acupuncture, karayom ang itinutusok sa parte ng katawan na roon siya pupwedeng gumaling habang sa naturopathy, may diet, masahe at halamang gamot na kakambal ng acupuncture.

Dahil dito, dapat suportahan ang ginagawa ng mga doktor at estudyanteng doktor sa alternative medicine na nagsasagawa ng libreng programa gaya ng ginagawa sa Brgy. Guyong, Sta. Maria sa ilalim ni Kapitan Graciano Gravador.

Pinangungunahan ni Doc Tiu sina Docs Roberto Limen at Kurt Bien Ramos ang programa at kasama ang trainees na sina Francis Dangilan, Joyce Gutierrez, Henry Arenas, Nhazly Gega, Lorell Gomogoda, Ma Rowena Wong at Regie Tuaño trainee.

Mag-iisang taon na ang gamutan na kauna-unahan umanong barangay-based na programa sa Pilipinas.

Mga Koreanong doktor, gaya ni Dr. Kilju Yoo, ang nagpasimula ng training sa kanila at matapos nito, ang Philippine Institute of traditional and Alternative Health Care ang magbibigay ng lisensya sa mga ito.

Akalain mo, nanggagaling ang mga manggagamot sa Laguna, Pampanga, Tarlac at Manila para lang manggamot nang libre at epektibo.

Saan ka pa!

Previous articleTRAUMA INFORMED APPROACH SA KOMUNIDAD, KAILANGAN   
Next articleLotto Draw Result as of | December 20, 2023