TUGUEGARAO CITY, CAGAYAN-Nasa stage of composition o halos naagnas na ang bangkay ng isang dalaga ang natagpuan sa bakanteng lote sa Barangay Annafunan East, Tuguegarao City, Cagayan.
Kinilala ang biktima na si Jasmin Grace Casale, 21-anyos at residente ng Barangay Atulayan Norte dito sa nasabing lungsod.
Ayon kay PLtCol. Richard Gatan, hepe ng Tuguegarao City Police Station, isang konsernadong mamamayan ang nakakita sa bangkay ng biktima na agad namang ipinagbigay alam sa kanilang himpilan.
Agad na rumosponde ang kapulisan kung saan ay bumungad sa kanila ang bangkay ni Casale na halos naagnas.
Posible di umano ginahasa muna bago pinatay ang biktima.
Base sa salaysay ng pamilya ng biktima, dakong 7:00 ng gabi noong araw ng Sabado, May 20 nang magpaalam ang biktimang may pupuntahan ito at mayroon umanong katagpo ngunit hindi na binanggit kung sino.
Advertisement