Home METRO Naagnas na bangkay ng dalaga umalingasaw

Naagnas na bangkay ng dalaga umalingasaw

TUGUEGARAO CITY, CAGAYAN-Nasa stage of composition o halos naagnas na ang bangkay ng isang dalaga ang natagpuan sa bakanteng lote sa Barangay Annafunan East, Tuguegarao City, Cagayan.

Kinilala ang biktima na si Jasmin Grace Casale, 21-anyos at residente ng Barangay Atulayan Norte dito sa nasabing lungsod.

Ayon kay PLtCol. Richard Gatan, hepe ng Tuguegarao City Police Station, isang konsernadong mamamayan ang nakakita sa bangkay ng biktima na agad namang ipinagbigay alam sa kanilang himpilan.

Agad na rumosponde ang kapulisan kung saan ay bumungad sa kanila ang bangkay ni Casale na halos naagnas.

Posible di umano ginahasa muna bago pinatay ang biktima.

Base sa salaysay ng pamilya ng biktima, dakong 7:00 ng gabi noong araw ng Sabado, May 20 nang magpaalam ang biktimang may pupuntahan ito at mayroon umanong katagpo ngunit hindi na binanggit kung sino.

Kung saan ay hindi umano agad hinanap ng pamilya ang biktima dahil nakaugalian na nitong umalis ng kanilang bahay at umaga na bago ito nakakauwi.

Naalerto lamang ang pamilya ng biktima nang hindi na umuwi kinabukasan ang biktima kaya nanawagan na ang pamilya hanggang sa huli ay natagpuan ng bangkay.

Hinala ng kapulisan, itinapon lamang sa lugar ang bangkay at hindi doon isinagawa ang pagpaslang.

Hanggang sa ngayonnay patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa naturang krimen. Rey Velasco

Previous articleMost wanted na jeepney driver nalambat sa Muntinlupa
Next articleEkstensyon ng estate tax amnesty, minamadali ng Senado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here