Manila, Philippines – Walang masamang makipagkaibigan ang isang may relasyon nang lalaki sa mga babae and vice versa.
Ito ang gustong ipamulat ni Nadine Lustre sa mga aniya’y kuwestyonable niyang fans na pinalalabas na pinagtataksilan siya ng nobyong si Christophe Bariou.
Tinawag ni Nadine ng pansin sa social media ang isang @satorreedgar dahil sa post nitong lagi raw kasama ng kanyang nobyo ang isang nagngangalang Marylou.
Base na rin ito sa mga mismong post ni Christophe.
Nadine wrote in answer: “Stop acting like you’re concerned. You’re just another hater. Try not to create drama. (Year) 2023 na. Gawa na lang tayo ng vegan cheese.”
Isa pang “fan” niya ang sinabihan niya ng “rude and offensive.”
Kahit si Nadine na raw mismo’y sumasama sa kanyang mga guy friends, pero hindi ibig sabihin niyon, “I’m cheating (on Christophe)!”
Tinawag ni Nadine na backwards o paurong ang ganitong mentalidad, saying there’s nothing wrong with committed guys making friends with girls and vice versa.
Nadine further wrote: “Normalize guys having friends with girls. Normalize girls having friends with guys!”
In a separate post, inalmahan ni Nadine ang comment ng ilang “fans” na tinawag siyang “ta**a” habang pinasalamatan niya ang mga totoong tagahanga na nakakaunawa sa kanya.
Hirit pa ni Nadine: “Please don’t come to me with your self-righteous + condescending lecture if you believe in tsismis. It’s toxic (as f**k)!”
Matatandaang taong 2022 when Nadine and her Filipino-French beau made public their relationship. Ronnie Carrasco III