Home NATIONWIDE Nag-iisang Pinoy sa Gaza ligtas – embahada

Nag-iisang Pinoy sa Gaza ligtas – embahada

MANILA, Philippines- Naiulat na ligtas ang natitirang Pilipino sa Gaza Strip, isang 63-anyos na madre, sa gitna ng kaguluhan sa pagitan ng Israeli forces at ng Hamas terrorists, ayon sa Philippine Embassy sa Jordan nitong Martes.

Ang madre mula sa Missionaries of Charity Sisters of Saint Teresa ang huling Pilipino sa lugar matapos magdesisyong manatili roon habang nailikas naman ng pamahalaan ang 14 pang Pinoy noong Sabado.

“We received information that the church where the Filipino nun is staying in Gaza City is still standing and holding masses for the parishioners,” pahayag ni Philippine Ambassador to Jordan Wilfredo Santos.

“Although we have not established contact with her — the church’s landline appears to have been disabled — indications are that the Filipino nun is safe but has decided to remain in Gaza to complete her mission,” dagdag niya.

Nauna nang inihayag ni Santos na hindi pa nakakausap ng embahada ang madre mula noong Disyembre nang paigtingin ng Israel ang pag-atake nito sa Gaza City.

Pumalo na sa 136 Pilipino ang napauwi ng Philippine government mula sa Gaza nang magsimula ang giyera sa pagitan ng Hamas at Israel noong nakaraang taon at unang magbukas ang border crossing sa Rafah noong Nobyembre.

Inaasahang darating sa Pilipinas ang huling batch ng Filipino repatriates sa Miyerkules, kasama ang dalawang kaanak na Palestinian. RNT/SA

Previous articlePuganteng Chinese naharang sa NAIA
Next articleMga lalaking na-link kay Dom, nagsalita na!