MANILA, Philippines- Inilahad ng Department of Agriculture (DA) na naghahanda na ito para sa posibleng epekto ng Super Typhoon “Mawar” sa agriculture sector kapag pumasok na ito sa Philippine Area of Responsibility (PAR).
Inihayag ng ahensya nitong Huwebes na nag-abiso na ang agriculture department sa mga magsasaka na anihin na ang matured crops at gumamit ng post-harvest facilities.
Sinabihan din ang mga magsasaka na magkaroon ng seed reserves, planting materials, at iba pang farm inputs.
Gayundin, inatasan sila ng DA na ilipat ang farm machineries, at equipment sa mataas na pwesto at linisin ang drainage sa irigasyon at rice paddies upang maiwasan ang pagbaha.
Sinabi rin ng sa local government veterinary services, agriculturist, at Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) officer na tiyakin ang espasyo para sa llivestock at iba pang domestic animals.
Advertisement
Advertisement