Home METRO Nagbenta ng nakaw na motor tiklo sa QC

Nagbenta ng nakaw na motor tiklo sa QC

246
0

MANILA, Philippines – NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang lalaki na nagbebenta ng nakaw na motorsiklo matapos ang isinagawang entrapment operation kahapon sa nasabing lungsod.

Kinilala ni QCPD Director PBGEN Nicolas Torre III ang naaresto na si Fahad Macalandap, 25 anyos, residente ng Bagong Silang, Caloocan City.

Ayon kay Jose Mirando ninakaw ang motorsiklo nito noong Mayo 28 habang nakaparada sa garahe sa Barangay Gulod, Novaliches, Q.C.

Nakita naman ng biktima ng bandang 4:00 ng hapon, June 8, na ang motorsiklo nito ay nakapost sa Facebook Marketplace at ibinibenta.

Dahil dito, agad na nagtungo sa Novaliches Station 4 si Mirando upang ipaalam ang kanyang natuklasan.

Lumalabas na ang mismong biktima ang tumayong buyer at nakapagkasunduan na magkita sa gasoline station sa Susano Road, Barangay San Agustine, Novaliches, dakong alas-10:00 ng gabi (June 9) na nagresulta sa pagkakadakip kay Macalandap.

Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree No. 1612 o Anti-Fencing Law. Jan Sinocruz

Previous articleTesting ng pagboto ikakasa ng Comelec sa 15 mall
Next articlePiolo, 10 years nang tigang sa lovelife!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here