Home HOME BANNER STORY Nagdarasal sa simbahan, pinalakol sa ulo

Nagdarasal sa simbahan, pinalakol sa ulo

MANILA, Philippines – Pinalakol habang nagdarasal ang isang lalaki sa loong ng isang kapilya sa isang worship service sa Apalit, Pampanga nitong Linggo.

Base sa ulat na pinuslit ng suspek ang armas sa kapilya gamit ang isang sports bag at nang makakita ng bibiktimahin ay dito na isinagawa ang karumal-dumal na krimen.

Sapul sa ulo ang biktima na nagawa pang maisugod sa ospital pero idineklara itong dead on arrival.

Nahuli naman ang suspek na mahaharap sa kasong homicide.

Sinabi ng pulisya na wala pa ring malinaw na motibo sa pagpatay. RNT

Previous articleBayaning Pinay na namatay naipit sa giyera sa Israel; Pasyente ‘di iniwan
Next articleDahil sa inggit: Kasambahay na taga-Africa suspek sa pagpatay sa OFW sa Saudi