Home HOME BANNER STORY Naghain ng COC sa BSKE, umabot na sa 530K

Naghain ng COC sa BSKE, umabot na sa 530K

399
0

MANILA, Philippines – Umabot na sa 530,449 ang naghain ng Certificate of Candidacy (COC) para sa Barangay at Sangguniang Kabataang Elections o BSKE, ayon sa Commission on Elections.

Ang nakalap na datos ay mula sa pinagsama-samang numero mula sa naghain ng kanilang COC sa buong bansa.

Base sa datos ng Comelec, 42,001 dito ang posisyon bilang punong barangay kung saan 41,074 na ang nagsumite na ng COC.

Para naman sa Sanguniang Barangay, 294,007 ang posisyon, pumalo naman sa 290,107 ang pumila at nagsumite na ng kanilang COC.

Para naman sa Sanguniang Kabataan na ang bilang ay kahalintulad sa posisyon ng punong barangay at miyembro ng barangay ang nakapaghain na ng COC ay umabot na sa 32,522.

Habang ang Sk Kagawad ay umabot na sa 166,746 ang nakapaghain din ng COC. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleRental subsidy sa informal settlers nais isabatas
Next articleMagkaibigan patay sa poste, rider tepok sa bus

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here