Home METRO Nagpakilalang PDEA agent, GCash scammer pala

Nagpakilalang PDEA agent, GCash scammer pala

474
0

MANILA, Philippines – PINAGHAHANAP ngayon ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang isang babaeng nagpakilalang ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) subalit kalauna’y nadiskubreng money transfer at GCash scammer pala ng malaking halaga ng salapi sa kanyang mga naging biktima.

Nagharap ng reklamo si Grace Micua, 46, ng Bambang, Nueva Viscaya sa Mayamot Police Station sa Antipolo City laban sa suspek na si Carla Perez de Jesus, 40, nakatira sa  No. 10 Betle Nut Palm st., Marikina Heights, Marikina City.

Batay sa salaysay ni Micua sa pulisya, inirekomenda siya ng isang kontratista na si Engr. Ronilo Hernandez kay De Jesus na asawa ng isang mayamang Japanese national na may kakayahang magpa-utang ng hanggang P10 milyon.

Dahil sa rekomendasyon ni Hernandez, hindi nag-atubili si Micua na umutang kay De Jesus ng halagang P6 milyon para gamitin sa kanyang proyekto.

Hiningan ni De Jesus si Micua ng halagang P132,000 bilang kabayaran sa “Credit Investigation Fee” (CFI) upang mabilis daw na mai-proseso ang kanyang loan application.

Walang pagdududa, kaagad na nagpadala si Micua ng P132,000 bilang kabayaran sa CIF sa pamamagitan ng money transfer sa Pangasinan at nai-withdraw naman ni De Jesus ang pera sa branch ng naturang money transfer company sa Ayala Mall sa Marikina City.

Bukod kay Micua, napag-alaman din na may iba pang mga naging biktima si De Jesus na sina Jimmalyn Ancog ng 1729 F.B. Harrison st. Brgy 2 Pasay City sa halagang P25,000; Tessie Illumin ng Pangasinan P60,000; Janete Zabalo, P5,000; Lyneth Esposo Garchitorena P10,000; Edwin Gamboa ng Pozurrubio, Pangasinan, P15,000 at Ian Carlo Banas P52,000.

Tinukoy din ni Micua sina Jobie Joy Sumile at Gina Sabillo na umaaktong mga GCash reloader ang kasabwat ni De Jesus sa pang-iiscam sa mga biktima.

Nangako naman sina Sumile at Sabillo na makikipag-tulungan kay Micua at sa pulisya upang madakip si De Jesus.JAY Reyes

Previous articleBank depositors sa government-owned banks, hinamong manindigan sa MIF
Next articleBishop Santos bagong Antipolo Diocese head

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here