MANILA, Philippines – Naglabas ng abiso ang Department of Health (DOH) patungkol sa ulat ng ilang indibidwal na ginagamit ang pangalan ni health Secretary Teodoro Herbosa para sa layunin na makapanghingi ng pera o solicitation.
Nakasaad sa abiso na ang ahensya ay nakatanggap ng ulat ng ilang indibidwal na nagpapakilala bilang kawani ng DOH at umano’y nagso-solicit ng pera mula sa ibat-ibang suppliers para sa proyekto ng ahensya.
Mariing itinnagi ito ng DOH at idineklara itong peke.
Nilinaw ng ahensya na anumang alegasyon ng iligal na aktibidad ay hindi kukunsintihin at gagawa ng angkop na aksyon upang matugunan ang mga ito.
Binigyang-diin ng DOH ang pangako nitong itaguyod ang integridad ng pangkalahatang tanggapan nito at panatilihin ang tiwala at paggalang ng mga mamamayang Pilipino.
Hinikayat din ang publiko na mag-ingat sa pakikipag-usap sa mga indibidwal na nagpapakilala o konektado sa mga opisyal ng gobyerno.
“It is crucial to verify the authenticity of such claims to prevent potential fraud or misrepresentation”.
Dagdag pa rito, hinikayat ng ahensya ang publiko na manatiling mapagbantay sa pagbabahagi ng impormasyon at pinayuhan ang pagkuha ng mga balita at impormasyon sa kalusugan ng eksklusibo mula sa mga opisyal na platform ng DOH.
Ayon pa sa DOH, mahalagang umasa sa mga mapapagkatiwalaang source upang matiyak ang pagpapakalat ng tumpak at maaasahang impormasyon sa kalusugan sa publiko. Jocelyn Tabangcura-Domenden