Nagtulak kahit GCQ: Traysikel drayber, timbog sa Caloocan buy-bust

Nagtulak kahit GCQ: Traysikel drayber, timbog sa Caloocan buy-bust

June 28, 2020 @ 5:07 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Sa karsel humantong ang isang tricycle driver na suma-sideline din ng pagtutulak ng shabu kahit may ipinatutupad na general community quarantine (GCQ) nang masakote sa buy-bust operation sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Ibinalibag sa selda ang suspek na si Louie Ray Mangahas y Galvez, 37, ng 13a A. Mabini St., Brgy 33, Caloocan City.

Ayon sa pulisya, isinagawa ang operasyon laban sa suspek sa alas-8 ng gabi sa kahabaan ng A. Mabini. St., Brgy. 33, Caloocan City.

Isang parak ang nagpanggap buyer at nakipagtransaksyon ng ng isang sachet ng shabu mula sa suspek kapalit ng isang tunay na P500 bill kabungkos ng siyam na huwad na P1,000 bills.

Naitanong pa umano ng poseur-buyer kung marami pa rin bang bumabatak kahit na may GCQ at sinabi umano ng suspek na “walang quara-quarantine sa mga adik” sabay abot ng epektus.

Dito na dinamba ang suspek at nakuha sa kanyang pag-iingat ang anim na gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P 40,800 at buy-bust money kaya’t idiniretso na siya sa presinto. Merly Iral

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...