Home NATIONWIDE Nahuhuling lumalabag sa EDSA bus lane kumonti sa taas-parusa

Nahuhuling lumalabag sa EDSA bus lane kumonti sa taas-parusa

(c) Danny Querubin/Remate News Central

MANILA, Philippines – Iniulat ng Metropolitan Manila Development Authority na kakaunti na ang mga sasakyang nahuhuli na gumagamit sa EDSA Bus Lane mula nang ipatupad ang dagdag na parusa at mas mataas na multa sa mga lalabag.

“Noong nagsimula po tayo ng operation sa increase penalty, nagsimula po iyan 500 plus iyong nahuli maghapon. Ngayon po ay nasa 100 plus na lamang per day,” ani acting MMDA chair Romando Artes.

“Tuluy-tuloy po iyong operations natin hanggang sa eventually and hopefully, bumaba po nang bumaba [ang mga nahuhuli] at ma-realize ng ating mga kababayan na hindi po talaga dapat gamitin itong busway kung hindi sila awtorisado,” aniya pa.

Muling iginiit ng MMDA head na tanging ang top 5 government officials, na ang Presidente, Vice President, Senate President, Speaker of the House, at Chief Justice, ang pinapayagang gumamit ng bus lanes. Santi Celario

Previous articleKathryn, inisnab ang bday celeb ni Karla!
Next article2 estudyanteng inakusahang ‘terorista’ pinawalang-sala